Dear people of the nation,
I just realized my cellphone load's all used up.. A few weeks ago, I just loaded
P300. Now, I have none. Sobra yata na 'kong magtext / tumawag. Grr.
I'm not complaining about the people who keep texting me which makes me use
up my load. However, I'm complaing about my dependency on this kind of communication.
Masyado yata tayong mahagot sa pagtext - I mean, paggamit ng cellphone.
Marami pa rin namang ibang forms of communication sa mundo na pwedeng
gamitin. Merong telepono, imbes na selepono. Meron din namang Y!M, kung saan pwede
namang makipag-usap gamit pa rin ang mga nakasulat na salita o, kung gusto mo,
tumawag ka na rin gamit ang Y!M. Pwede ka rin namang sumulat ng liham sa papel tapos
ipa-express delivery mo sa LBC kung gusto mong mabilis ang reply. Pwede ka rin namang
pumunta na lang sa bahay niya kung gusto mo ng masinsinang pag-uusap. Maraming
paraan; humanap ka na lang ng paraan para makausap mo ang gusto mong kausapin.
Hindi ko sinasabing huwag nang gumamit ng selepono. Ang sinasabi ko lang ay
sana'y hinay-hinay lang ang paggamit dahil pagod na rin na naman ang ating mga daliri
sa kakapindot ng mga numero para ang lumabas ay mga salitang pinaiksi pa.
Nagmamahal sa inyo,
15th Review
PS: Grabe ang transition ng liham na 'to. Galing sa Tagalog, it became English in an instant
without you realizing that you're actually reading a letter written in two languages. Well,
good night to you all.
Sunday, December 7, 2008
Woah.
Posted by Harvey at 6:17 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment